Ang Super Gabay Parent Training Series ay isang serye ng pagsasanay para sa ating mga gabay katulad mo upang mas magkaroon ng mabungang ugnayan sa pagitan ninyong mga gabay at inyong mga anak.

Ang mga module na ito ay naglalayong mahikayat ang mga magulang, kamag-anak, gabay, o guardian na maging kaakibat ng mga guro sa tuluy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral, lalo na sa gitna ng online class.