Bilang isang magulang, gusto mo ang pinakamahusay para sa edukasyon ng iyong anak. Ang paaralan at guro ng iyong anak ay nagsusumikap para sa parehong layunin. Ang tagumpay sa paaralan ng iyong anak ay maaaring makakuha ng malaking tulong kapag nakikipagtulungan ka sa kanilang mga guro upang lumikha ng isang positibong kapaligiran sa pag-aaral. Ang pakikipagsosyo o pakikipagtulungan sa mga guro ng iyong anak ay makakapagbigay sa kanila ng suporta na kailangan nila upang makayanan ang mga hamon sa pag-aaral at umunlad sa kanilang mga gawaing pang-edukasyon!
Sa Module 2 na ito, inaasahang tumibay pa ang koneksiyon mo sa mga guro ng iyong anak sa pamamagitan ng pag-unawa sa: 1) sariling tungkulin at kakayahan, 2) pangangailangan ng iyong anak sa kanyang pag-aaral; at 3) pangangailangang suporta ng guro para sa pagtuturo sa iyong anak.